Ang magka-ibigan \ Two friends


The bond between man and animals

Kinukunan ng ámo ng larawan ang kanyang alagang labrador retriever kahapon, ika-26 ng Oktubre 2023 sa dalampasigan ng Shichirigahanma, Lungsod ng Kamakura, Japan.

Kinausap ng ámo ang masunuring alaga na umupo at huwag gumalaw upang mapitikan siya nang maayos. Sa isang paki-usap, sumunod kaagad ang maamong hayop.

Tuwing paglubog ng araw, daan-daan ang mga turista at lokal na naninirahan ang dumadayo at nagtutungo sa dalamapasigan ng Shichirigama upang pagmasdan ang pamamaalam ng araw, at kung papalarin, masisilayan ang anino ni Bundok Fuji.

Subalit sa araw na ito, hindi siya nagpaunlak ma masulyapan ang kanyang hiwaga.

Ang ámo, kasama ang maybahay, at alaga ay umupo sa buhanginan at pinagmasdan nang mga kalahating oras ang pamamaalam ng ginintuang liwanag.