Komorebi 木漏れ日 at bokeh / Mga sinagát/sinalà na liwánag


Larawanismo 101 Mga sinagát/sinalà na liwánag Nagsasayá ang namamaalam na liwánag ng Oktubre habang naghihintay si Bruno laging-gutom na mabigyan muli ng merienda noong isang araw sa Yokohama, Japan. Ang liwánag ay sinasalà o sinasagat ng mga dahon ng hassaku (dalandan) sa labas ng durungawan. Sa wikang-Hapon, komorebi 木漏れ日 ang tawag sa uri ng liwanag […]